KAPAG ITINADHANA WALA KAYONG MAGAGAWA

AYAW talaga lumaban nang patas itong mga tao na nasa likod at harap ng mga paninira laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Hindi na sila nakuntento sa Martial Law issue, nakaw na yaman, emergency alert sabotage, pekeng survey ng Rappler, disqualification cases at cancellation ng Certificate of Candidacy (COC).

Ngayon naman lumabas na itong si Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay masyadong nagmamadali na ilabas ng First Division ang desisyon laban kay BBM.

Hindi napigilan ni Guanzon na magsabi sa social media na boboto raw siya para i-disqualify si BBM.

Walang pakialam si Guanzon kung may nilabag man siyang patakaran sa pagiging commissioner ng Comelec basta siya kung anong gusto niyang sabihin ay gagawin niya.

Kaya ngayon maraming nagsabi na dapat bigyan ng leksyon itong si Guanzon.

Kabilang na ang pagpapadis-bar sa kanya dahil sa walang pakundangan na pagsasabi tungkol sa kanyang posisyon laban kay BBM.

Kinuwestiyon din niya ang kanyang mga kasamahang sina Commissioner Aime Ferolino, ponente ng First ng Division ng Comelec at Comm. Marlon Casquejo kung bakit daw hindi pa inilalabas ang desisyon laban kay BBM.

Kating-kati na si Guanzon na makaboto siya laban kay BBM kasi nalalapit na ang kanyang retirement ngayong Pebrero baka nga naman hindi mabilang ang kanyang boto.

Anong mayroon bakit siya nagmamadali?

May lugaw isyu ba rito? ‘Wag n’yo isipin na hanggang lugaw lang ang kakayanan ng mga Pinoy.

Ay naku! Obyus na laban kay BBM itong si Guanzon kasi dilawan naman pala (PNoy) ang naglagay sa kanya sa Comelec noong April 2015.

Hala sige tadtarin n’yo ng kaso yan nang madala naman!

Hindi pa sila nakuntento, ngayon naman gusto nang iligpit si BBM.

Isiniwalat ng Department of Justice (DOJ) Cybercrime Office na may planong pagpatay kay BBM.

Sa isang mensahe na ipinadala sa Law Enforcement Outreach Trust and Safety ng Tiktok, hiniling ni Atty. Charito Zamora, officer-in-charge ng DOJ’s Cybercrime group sa naturang social media platform “to preserve the data related to the subject account while the Philippine authorities are working on the legal process for its disclosure.”

Ayon kay Zamora, tinatrabaho na ngayon ng opisina ni Kerri Woods ng Tiktok Law Enforcement Outreach ang naturang request ng mga imbestigador ng DOJ Cybercrime Office.

Sumulat na rin ang DOJ Cybercrime probers sa kanilang counterpart sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police para tulungan silang imbestigahan ang ­naturang ‘kill plot’ at kung sino ang mga nasa likod nito.

Kahit ano pang hadlang n’yo, wala kayong magagawa kung si BBM ang itinadhanang maging presidente ng Pilipinas.

Kahit anong bato n’yo ng putik kay BBM ay nananatiling mataas ang tiwala sa kanya ng taumbayan.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amo-ngo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

241

Related posts

Leave a Comment