Kapag napatunayang walang overpriced food packs JOY SUSUPORTAHAN NI DEFENSOR

“IF Joy can prove that there is no overpriced, I will support her in her reelection bid and retire permanently from politics.”

Ito ang deklarasyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos siyang batikusin ng mga supporter ni Belmonte hinggil sa isiniwalat niyang food packs na binili ng alkalde.

Naniniwala ang mambabatas na ang grupong bumabatikos sa kanya ay mula rin sa bakuran ni Belmonte para idepensa ang kanilang amo hinggil sa kanyang natuklasang anomalya.

“Page nila yan. Sila sila din nag-uusap dyan,” ayon pa sa mambabatas.

Dismayado ang mambabatas dahil imbes na sagutin ang isyu ay nililihis umano ang usapin.

“They have to answer the question squarely. Magkano nila binili at ano ang prevailing price. Sino ang single proprietor company at ano ang process ng award,” ayon pa sa mambabatas.

Dalawang linggo na ang nakaraan nang isiwalat ni Defensor ang umano’y iregularidad sa biniling food packs ng Quezon City government para sa mga residente na naapektuhan sa COVID-19 pandemic. Si Mayor Belmonte ang lumagda sa purchase order (PO) nito.

Unang isiniwalat ni Defensor ang 350,000 food packs na binili ni Belmonte sa Thyme General Merchandise na may tanggapan sa 32 Batay St., Cubao na nagkakahalaga aniya ng P402.5 million.

Binili umano ang bawat food pack ng P1,149.98 gayung ang halaga ng mga pagkain sa bawat pack ay P636 lamang kaya overpriced aniya ito ng P180 million.

Bukod dito, nakakuha ng isa pang PO si Defensor na nilagdaan din ni Belmonte para naman sa 250,000 food packs na nagkakahalaga ng P287,475,000 at binili sa LXS Trading na may address sa 1210 Suntrust Capitol Plaza, Matalino St., Central, Quezon City.

Tulad ng unang food pack na binili, P636 ang halaga ng pagkaing laman kaya overpriced naman umano ito ng P128,495,000 kaya kung pagsasamahin ang dalawang PO na nilagdaan ni Belmonte ay P308 million ang nawala sa pondo ng QC government.

“The two procurements for a total of 600,000 food packs were worth P690 million, of which P308 million was the overprice. At P636 per pack, the city government could have bought and distributed an additional 484,000 food packages,” ayon sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

208

Related posts

Leave a Comment