KAABANG-ABANG ang magiging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa magiging kapalaran ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipinatupad sa Metro Manila at sa iba pang high-risk areas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Can’t confirm,” ang naging sagot ni Presidential spokesperson Harry Roque sa lumabas di umano na memorandum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na inirekomenda na i-shift na sa general community quarantine (GCQ) ang mga nasabing lugar mula sa MECQ.
“PRRD will announce tonight,” ayon kay Sec. Roque.
Base sa sinasabing diumano’y kopya ng memo na umiikot ngayon sa online, ang Metro Manila ay ilalagay na sa ilalim ng GCQ mula June 1 hanggang 15.
Ang IATF ay policy-making body ng pamahalaan na tumutugon sa COVID-19 pandemic.
Ang mga alkalde sa Metro Manila, sa nangyaring pulong noong Martes ay sumang-ayon na ang rehiyon ay dapat nang isailalim sa GCQ mula MECQ upang payagan ang mga negosyo na muling makapagbukas. CHRISTIAN DALE
