KAPANATAGAN AT SIGLA IBABALIK SA MAYNILA

NANGAKO si dating Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ibabalik ang sigla at kalinisan ng Maynila bilang kabisera ng bansa sakaling siya ay makabalik bilang alkalde ng lungsod sa darating na May 12 elections.

Bukod dito, tiniyak din ni Domagoso sa The Manila Press forum na ibabalik niya ang kapanatagan at pamumuhay na bawat Manilenyo.

Ayon sa dating alkalde na muling sumasabak sa mayoralty race sa Maynila, ipagpapatuloy niya ang nasimulan kung saan may gobyerno ang Maynila- ang kaayusan, kalinisan.

“Aalisin ko ang kadugyutan,” pahayag ni Domagoso at sinabing ibabalik niya ang peace and order at kalinisan sa kabisera ng bansa.

“Krimen sa Maynila, lilimasin ko: snatching dito, snatching doon. Holdap dito, holdap doon,” dagdag pa ng dating alkalde.

Sa kanyang mabilis na pagtugon sa pagpapabuti sa Maynila, kabilang ang paglilinis sa illegal vendors at pagtiyak na episyenteng public service delivery.

Sa kanyang pamamahala ay nagpatupad din ng malawak na mga reporma sa pananalapi at mga hakbang sa pagtugon sa krisis, tulad ng ground breaking ng distance learning program sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Samantala, sinabi rin ni Domagoso na ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila ay ido-donate na sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) para sa pagtatayo ng College of Medicine dahil sa matinding pangangailangan ng mga doktor, nurses at medical practitioners sa lungsod ng Maynila. (JOCELYN DOMENDEN)

16

Related posts

Leave a Comment