3 PATAY SA SUNOG SA MARIKINA; 3 SUGATAN

PATAY ang tatlo katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa sunog nitong Huwebes ng umaga sa isang residential area sa Concepcion Uno sa Marikina City.

Kinilala ni SSO2 Balbuena, ang mga nasawi na sina Rodolfo J. Jamisola, 59-anyos, Angelica Jarlego 23-anyos at si Annaleah M. Jarlego, 18-anyos.

Sa ulat, natagpuan ang mga biktima na sama-sama sa isang kwarto sa nasunog na bahay.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina si Ronel Jam Jarlego, 29; Stacy Ane Jarlego, 6 at Sid Andrei Jarlego na nagtamo ng konting sunog sa katawan.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa isang bahay sa E. Santos Street bandang 8:04 ng umaga, ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire-Metro Manila.

Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na itinaas sa unang alarma bago ito idineklarang fire out bandang 9:44 ng umaga. (TOTO NABAJA)

17

Related posts

Leave a Comment