KAPAYAPAAN SA HALALAN 2025, TINIYAK NG PNP CALABARZON

TINIYAK ng PNP CALABARZON ang maayos at ligtas na halalan sa 2025 sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067.

Ayon kay PCol. Melvin Napiloy, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO CALABARZON, sa ilalim ng programang F.E.E.L S.A.F.E.R., umabot na sa 3,138 na armas ang boluntaryong isinuko mula Setyembre 2024 hanggang Enero 2025.

Sa isinagawang mga operasyon tulad ng search warrants, checkpoints, police patrols, at Oplan Bakal, 414 armas ang nakumpiska at 313 katao ang naaresto.

Bukod dito, sa Oplan Katok, 10,074 operasyon ang naisagawa na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng 1,187 armas.

Simula naman ng gun ban noong Enero 12, 2025, nakapagtala ang PNP ng 60 armas na nakumpiska at 61 katao ang naaresto.

Sa kasalukuyan, nasa 1,601 na armas ang nasa safekeeping, habang 292 indibidwal ang nahaharap sa kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (NILOU DEL CARMEN)

6

Related posts

Leave a Comment