KARAHASAN MATAPOS ANG ELEKSIYON PUMALO SA 51 KASO

comelec pnp12

(NI AMIHAN SABILLO )

PUMALO sa 51 post election violent incidents mula May 14 hanggang May 29 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) National Election Monitoring and Action Center  (NEMAC).

Ayon kay  PNP spokesperson Police Col Bernard Banac, kasabay ng pagkondena sa mga insidente ng karahasan na ang kalimitang target ay mga local government officials tulad ng mga barangay captain at SK officials.

Sa mga insidenteng nabanggit, walo ang patay, 14 ang sugatan at 29 ang walang pinsala.
Sa mga kasong ito 21 ang ‘solved’, 8 ang “cleared” at 22 ang “under investigation”.

Sinabi pa ni Banac na tinitiyak ng ahensiya na mananagot ang mga may sala at tutugisin.

Ipinag-utos na, aniya, ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa lahat ng mga Police Regional office na i-“synchronize” ang kanilang imbestigasyon para sa mabilis na ikalulutas ng mga kaso, alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año.

198

Related posts

Leave a Comment