NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. 042, series of 2020, na nagmamando sa lahat ng close contacts ng COVID-19 positive patients, na sumailalim sa swab test at quarantine.
Nakasaad sa ordinansa, ang mga nakatira sa iisang bahay ay itinuturing na close contacts kung sakaling may isang naninirahan na makumpirmang positibo at inoobligang sumailalim sa swab test at quarantine hanggang makumpirmang negatibo sa COVID-19.
Sabi pa sa EO, kapag nakumpirmang mayroong virus, obligado rin ang mga pasyente na ilipat sa community isolation facilities.
Ang sinumang hindi sumunod o magbigay ng maling impormasyon ay hahainan ng demand letter mula sa City Legal Office at kapag patuloy na nagmatigas ang pasyente sa kabila ng demand letter, ay kakasuhan ng paglabag sa Section 9 ng Republic Act No. 11332.
Sa kabilan dako, ang close contacts na hindi residente ng lungsod ay ieendorso sa health office ng kanilang pamahalaang local.
“There were reports of close contacts who gave false information, deliberately misleading the contact tracing team and slowing down the efforts of the city government. We need to take a firm stand and enforce a stricter system in handling these cases.
We need to accelerate our contact tracing efforts to contain the further spread of the disease. Immediate action and direct implementation of these measures must be done for us to move forward and live safely in the new normal,” ani Mayor Toby Tiangco.
Inisyu ang order nang makatanggap ng ulat ang pamahalaang lungsod na tumatangi ang close contacts na sumailalim sa swab testing at umaalis sa kanilang mga bahay. Bukod dito, may kumpirmadong COVID-19 patients na nagtatago sa mga sfaff na inatasang sumundo sa kanila para dalhin sa isolation facilities.
Noong Hulyo 13, lumitaw sa contact tracing results ang cluster transmission ng COVID-19 sa mga miyembro ng pamilyang nakatira sa isang bahay, at ang mga nakatatanda ang pinakamadaling tamaan ng nasabing nakamamatay na sakit.
Nakapagtala na ang Navotas ng 3,903 kaso ng COVID-19 hanggang Agost0o 18, 2020. Sa bilang na ito ay 1,030 ang nananatiling aktibo, 2,760 ang gumaling na at 113 ang namatay. (ALAIN AJERO)
115
