MAAARI nang daanan ng mga motorista ang ilan sa pangunahing mga kalsada matapos na linisin ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraang naapektuhan ng 7.3 magnitude quake ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region noong Miyerkoles ng umaga.
Bandang alas-6 :00 ng umaga nitong Huwebes ay puwede nang madadaanan ang ilang mga kalsada, ayon na rin sa ulat mula kay DPWH Bureau of Maintenance at DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Kabilang sa maaari nang madaanan ang Abra – Kalinga Road,
Abra – Ilocos Norte Road, at Abra – Cervantes Road sa lalawigan ng Abra; Asin Road, Baguio City, Marcos Highway, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Baguio – Bauang Road, at Congressman Andres Acop Cosalan Road sa lalawigan ng Benguet.
Maaari na ring daanan sa lalawigan ng Kalinga ang Mt. Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road at Kalinga-Abra Road.
Habang sa Mt. Province ay bukas na sa mga motorista ang Mt. Province-Cagayan via Tabuk – Enrile Road at Mt. Province-Ilocos Sur Road.
Sa Ilocos naman ay maaari na ring daanan ng mga motorista ang Santa Rancho Road (Calungbuyan Bridge).
Kaugnay nito , kasalukuyan pa ring nililinis ng DPWH Quick Response Teams ang kabuuang 8 kalsada sa CAR at Region 1 kabilang ang
Kennon Road, Benguet (para sa safety purposes); Gov. Bado Dangwa National Road K0285+600 section sa Tab-ao, Kapangan, Benguet (dahil sa pagbagsak ng mga bato).
Gayundin din ang Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road K0355+600 section in Ap-apid, Tinoc, Ifugao (dahil sa pag-collapse ng mga bato); Lubuagan-Batong Buhay Road K0462+010, K0463+000, K0463+400, K0463+700, K0464+000 sections sa Puapo, Dangtalan, Pasil, Kalinga at K0464+600,K0464+700, K0464+800 sections sa Colong, Lower Uma, Lubuagan, Kalinga (rock collapse); Baguio – Bontoc Road, Mt. Data Cliff, Bauko, Mt. Province (soil collapse);
Tagudin – Cervantes Road, K0341+600 sa Ilocos Sur (landslide at rockslide).
Gayundin ang Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio-Quirino Road K0393+000 sa Brgy. Cayos, Quirino, at K0391+200, Ilocos Sur (landslide at rockslide); Cervantes-Aluling-Bontoc Road K0387+(-950), Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur (landslide at rockslide).
Habang ang Itogon Bridge sa kahabaan ng Tagudin – Cervantes Road K0267+519 section sa Benguet ay limitado pa para sa light vehicles para sa safety reasons.
Sa kasalukuyan, ang partial cost of damage sa national roads dahil sa lindol ay P59.23 milyon. (RENE CRISOSTOMO)
