KATATAGAN NG GAME FOWL INDUSTRY, PINAPURIHAN

NAPAKATATAG talaga ng game fowl industry.

Hanggang ngayon kasi, nakatindig pa rin ito.

Tsaka, nakabibilib ang mga organizers.

Talagang ginagawa nila ang lahat upang makapag-ambag sa ekonomiya.

Maging si Senator Cynthia Villar ay pinuri ang tapang ng mga nagsusulong ng 8th International Game Fowl Festival.

Nananatili nga namang nagliliyab ang game fowl industry sa kabila ng coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.

Base sa mensaheng binasa ng kanyang anak na si Deputy ­Speaker Camille Villar, sinabi ng senadora na talagang maraming nabibigyan ng pag-asa at oportunidad dahil sa industriya.

“This opening of the game fowl industry doors this year hopes to bring together leading game fowl breeders, pigeon raisers, exotic animal hobbyists, veterinary and nutrition suppliers, gamefowl suppliers, pigeon suppliers, pigeon fanciers, incubators, feed manufacturers, and related products and services catering to game fowl, pigeon raising and exotic animals,” wika ni Villar.

Ayon sa chairperson ng Senate agriculture committee na guest speaker sa three-day event sa World Trade Center, Pasay City, nakabibilib na naisama pa rito maging ang reptile expo kung saan tampok ang mga reptiles at iba pang exotic animals.

Binanggit naman ni Villar ang kahalagahan ng pagbalanse sa vaccination program para protektahan ang mga tao laban sa COVID-19.

Sa ganitong paraan nga naman, mabibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng disenteng hanapbuhay upang suportahan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Matindi nga naman ang epekto ng pandemya sa game fowl sector bunga ng limited movements na dulot ng community quarantines sa bansa noong mga nakaraang buwan.

Super lugi kasi ang industriya.

“The sales of ‘ready-to-fight’ game fowls in 2020, which dropped due to limited movements and restrictions brought by the community quarantines, was huge amounting to billions of pesos. This included a sales drop of 50 percent to the P30-billion feed industry and a loss of around P15 billion to the veterinary products sector,” pagdidiin ng senadora.

Kung hindi tayo nagkakamali, mahigit 3,000 sabungan sa buong bansa ang nagsara dahil sa pandemya.

Kaya maraming nawalan ng trabaho tulad ng mga cockpit vendors, farmhands, at kawani ng mga kompanya ng feeds, veterinary supplies at farm equipment.

Nakatutulong din daw na ginawang makabago ang sabong kaya naging mobile o e-sabong.

Tiwala si Villar na malalampasan din ng industriya ang mga hamong kinakaharap nito upang magkaroon ng legal platform sa hinaharap.

188

Related posts

Leave a Comment