63M PINOY BAKUNADO NA

MAHIGIT sa 63 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19, eksaktong isang taon simula nang ikasa ang vaccine rollout.

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na may kabuuang 63,219,221 katao na ang nakakompleto ng kanilang primary vaccine series “as of Monday,” Pebrero 28.

Sa kabuuang 135,747,294 vaccine doses na naiturok sa buong bansa, 68,808,944 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose, habang 10,214,164 ang nakatanggap ng kanilang booster shots matapos na maabot ang tatlo hanggang anim na buwan na requirement.

“With more than 80% of our country’s target population now fully vaccinated, we are confident that we can achieve our goal of vaccinating 90 million Filipinos by the end of the second quarter, and administer at least 72.16 million booster shots by the end of the year,” ayon kay National Task Force (NTF) chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ang National Capital Region at 38 iba pang lugar sa buong bansa ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 1, pinakamababa sa ilalim ng bagong alert level system, mula Marso 1 hanggang Marso 15. (CHRISTIAN DALE)

129

Related posts

Leave a Comment