Kauna-unahang gypsum board training center sa bansa, binuksan ng Knauf Philippines

BINUKSAN kamakailan ng Knauf Gypsum Philippines, isang nangungunang manufacturer ng gypsum board at jointing compound, ang kauna-unahang gypsum board training center sa Pilipinas.

Ang “Knauf Academy” ay isang pasilidad na naglalayong punuan ang anumang mga kakulangan pagdating sa mga pangangailangan ng “skilled workers” sa industriya ng construction sa bansa.

Ayon kay Mark Sergio, Knauf Philippines Managing Director, ang pagbubukas ng Knauf Academy ay isang malaking karangalan para sa Knauf bilang unang gypsum board training center sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Sergio na ang layunin ng Knauf Academy ay mapataas pa ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga Pilipinong installer ng mga gypsum board. Kaakibat din nito ay ang kakayahan naming makapag-bigay ng “best customer experience” para sa aming mga arkitekto, developer at mga contractor-partner.

Layunin din ng Knauf Academy ay ang mapataas pa ang kakayahang makapag-trabaho ng mga Pilipino skilled worker sa industriya ng construction, partikular sa gypsum board installation. “Karamihan sa mga mga installer sa Pilipinas ay natutuhan lamang ang pag-install habang nagta-trabaho, na naging foreman at naging may-ari din ng sarili nilang maliit na contracting business. Nais din naming masiguro na mapabuti ang kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Sergio.

Ang Knauf Academy ay kayang maokupahan ang 18 trainee, at mayroon itong tatlong palapag at may tatlong main area: sa ikalawang palapag ay may classroom setup kung saan ang mga trainee ay tuturuan pagdating sa theoretical side ng gypsum at iba pang standard drywall at ceiling installation technique. Mayroon ding reception at showroom area sa unang palapag na may maliit na snack bar kung saan ang mga trainee ay pwedeng manatili kapag may break sa lecture. At higit sa lahat, ang Workshop area na nasa unang palapag din, kung saan maaaring i-apply ng mga trainee ang kanilang natutunan sa teorya tungo sa aktwal na aplikasyon, gamit ang mga mock dry wall installation, at kung saan ang kanilang kakayahan ay maoobserbahan at masusubukan.

Ang Knauf Academy ay bukas sa sinumang nais matuto pagdating sa drywall at ceiling installation at mapataas pa ang kanilang kakayahan at kaalaman sa gypsum board installation, sa mga arkitekto, inhinyero, interior designer, mga estudyante at iba pang partner sa construction industry.

Matatagpuan ang Knauf Academy sa Lot 35 Block 11 Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Bagumbayan, Quezon City. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Knauf Academy at kung paano maging bahagi ng training group, mag-email sa knaufacademyph@knauf.com o tumawag sa (+63) 29116709 extension 4. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.knaufapac.com/en_ph.

Ang Knauf Gypsum Philippines, Inc. ay isang manufacturing company na gumagawa ng mga gypsum board at jointing compound. Ito ay isang gypsum board brand na patuloy na lumalago at ginagamit sa mga residential, commercial at mga industrial project sa bansa. Ang mga produkto ng Knauf ay kinabibilangan ng wall, ceiling, jointing at finishing compound, mga acoustic panel at ceiling tile, acoustic suspension system, kasama ang mga metal system.

743

Related posts

Leave a Comment