KAWANI NG MUNISIPYO PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang isang empleyado ng LGU ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito, matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng palengke noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ng Rosario Police ang biktimang si Mark Anthony Grit, 41, residente ng Brgy. Quilib, driver ng Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa report, dakong alas-5:20 ng hapon, nakaupo ang biktima sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa parking lot ng Rosario Municipal Public Market nang lapitan ito at biglang pagbabarilin ng isa sa mga suspek gamit ang kalibre .45 baril.

Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo. (NILOU DEL CARMEN)

307

Related posts

Leave a Comment