NASA 855 na units ng mga kumpiskadong sasakyang tinangkang ipuslit sa bansa ang ipinamimigay ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ang problema, walang may gustong tanggapin ang alok na donasyon dahil sa malaking perang kalakip ng pagpapakumpuni at pagpapanatiling nasa kondisyon ng mga nasabing sasakyan.
Kabilang sa mga sasakyang nais idispatsa ng BOC – Port of Aparri ang mga mamahaling sports cars, off-road SUVs at iba pang kinumpiska ng pamahalaan may 10 taon na ang nakakaraan.
Ayon kay BOC-POA district collector Arienito Claveria, karamihan sa mga alok sa mga Local Government Units (LGU), Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging
sa Philippine National Police (PNP) na sasakyan ay pawang maituturing na “serviceable” at umaandar pa, bagama’t hindi na kasing tikas nang unang lumapag sa Port of Irene kung saan nasabat ang mga naturang imported vehicles.
“We are working to dispose of these stranded vehicles but some agencies refused or turned down our donations due to the high cost of repair and maintenance of the cars,” ani Claveria sa isang pulong balitaan kamakailan.
Karamihan aniya sa mga nakabaregang sasakyan ay right-hand drive (nasa kanang bahagi ang manibela).
Sa ilalim ng umiiral na batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga segundamanong sasakyan, ba-
tay na rin sa Executive Order 156
na nilagdaan ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Gayunpaman, mayroon na rin naman aniyang 100 piraso ng mga mamahaling sasakyang una nang planong wasakin batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naibahagi na sa AFP at PNP – 18 para sa Cagayan PNP at pito naman sa militar.
Maging ang lokal na pamahalaan ng Cagayan, nakatanggap din ng pitong sasakyan, habang tig-iisa naman ang 18 barangay na saklaw ng nasabing bayan.
251 