KD-WARRIORS REUNION TINULDUKAN

Ni VT ROMANO

HINDI man lantarang binanggit ang pangalan ni Kevin Durant, pinatay na ni Golden State Warriors president and general manager Bob Myers ang isyu ng pagti-trade sa mga young talent ng team para sa reunion sa 2017 at 2018 NBA Finals MVP.

“I like our team and where it’s at,” lahad ni ­Myers kay NBA.com’s Mark Medina kamaka- ­lawa. “I want to give the guys a chance to do it again.”

Si Durant, hindi na umano masaya sa sitwasyon sa Brooklyn, ay humiling ng trade mula sa Nets bago pa ang NBA free agency.

Ngunit kahit anong deal para sa NBA superstar ay komplikado.

Para makuha ang serbisyo ni Durant, ilang young stars ng team plus first-round draft picks ang kapalit upang maganap ang trade deal.

Dahil nasa GS sina Andrew Wiggins, Jordan Poole, Jonathan Kuminga, James Wiseman at Moses Moody, nasa Warriors ang ‘best collection’ ng players na maaaring ipalit ng Brooklyn kay Durant.

At masaya na si Myers sa present roster ng Golden State.

“We’re lucky. It’ll be fun to see. We were ­really ­hunting last year. Now I guess we’re back to being the hunted, which I didn’t think we’d be. We’ll see.

I think we can handle it.”

Naniniwala rin si ­Myers sa kakayahan ng mga batang manlalaro niya upang makaulit ng ­kampeonato ang Warriors.

LEBRON BILIB
KAY PIPPEN JR.

SA katatapos na NBA Summer League, may nakikitang mga manlalaro ang Los Angeles Lakers na potensyal maging hit sa liga.

Kabilang sa kanila sina sharpshooter Cole Swider, madalas bumato mula 3-point range kahit sobrang dikit sa kanya ng defender, gayundin sina second-round draft pick Max Christie at big man Jay Huff.

Ngunit nakatawag-pan­sin kay LeBron James si Scotty Pippen Jr., anak ni Hall of Famer Scottie Pippen, na bagamat may ‘ups and downs’ ay nagpamalas ng abilidad umatake sa basket, dumepensa at tumira sa free throw line.

Ayon sa Lakers Daily: “Among the new players that the franchise has brought in, Scotty Pippen Jr. is believed in by Lakers superstar ­LeBron James.”

Bagama’t marami pang dapat gawin si Pippen Jr. partikular sa kanyang outside shooting at paglimita sa turnovers, tiyak na may patutunguhan ang rookie.

EMBIID, AYAW SA
BAGONG ARENA

NEGATIBO ang reaksyon ni NBA star Joel Embiid sa balitang pagpapagawa ng bagong arena ng ­Philadelphia 76ers sa ­Center City.

Nitong Huwebes (Biyer­nes sa Manila), inihayag ng Sixers ang pagbubukas ng arena para sa 2031-32 season.

Mula 1996, ang Wells Fargo Center ang naging tahanan ng Sixers.

Ang artistry ng bagong arena ay napakaganda, bukod sa ilalagay ito sa downtown sa Fashion District, kung saan maraming bagay ang maaaring gawin o puntahan ng fans bago at pagkatapos ng laro.

Gayunpaman, dahil magbubukas ang arena matapos pa ang nine seasons, hindi ito ‘good news’ kay Embiid.

Sa kanyang IG account, “NAH 2032???????” ang reaksyon ni Embiid na may kasamang dalawang grandpa emojis.

Si Embiid ay 28 anyos ngayon pero sa pagbu­bukas ng arena, 37 years old na siya.

192

Related posts

Leave a Comment