LAGUNA – Pinatay ng hindi kilalang armadong kalalakihan ang suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner noong Sabado ng gabi sa Purok 1, Brgy. Ganado, Biñan City, sa lalawigang ito.
Kinilala ni Biñan City Police chief, Lt. Col. Giovani Martinez ang biktimang si Alejandro Alano alyas “Dokleng,” residente sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.
Dead on the spot ang biktima makaraang pagbabarilin bandang alas-12:30 ng madaling araw nitong Linggo.
Ayon sa ulat, ilang araw pa lamang nakababalik sa kanyang bahay ang biktima makaraan ang ilang buwang pagtatago matapos ang pagkamatay ng kanyang live-in partner noong Disyembre 2020, na siya ang itinuturong pangunahing suspek.
Nagsasagawa ng dragnet operation sa lugar ang mga awtoridad at pinag-aaralan ang CCTV footages sa pinangyarihan ng insidente upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (CYRILL QUILO)
269 