KILO-KILONG KARNENG BAKA, TUPA naSABAT NG CUSTOMS NAIA MULA SA 3 PASAHERO

Nasabat ng Bureau of Customs-NAIA ang 18 kilo ng tupa (lamb meat), at kabuuang 42.2 kilo ng karneng baka na walang SPS ­clearances na in-import mula sa USA at Saudi Arabia.

Bukod pa ito sa naunang pagkakasabat nila sa 40 libong kilo ng imported meat products na wala ring kaukulang Sanitary at Phytosanitary permit mula sa Bureau of Animal Industry o BAI habang

nasa kasagsagan ang African Swine Fever sa bansa.

Dahil dito, nagbabala si Customs NAIA District Collector Carmelita M. Talusan sa publiko na patuloy sila sa kanilang walang humpay na pagkumpiska ng lahat ng imported meat at meat products na walang kaukulang permits.

Agad naman nila itong ititurnover sa BAI para mai-dispose ng tama at maiwasan na pagmulan pa ito ng panibagong mga virus bukod sa ASF.

Dahil sa ang bansa ay ­patuloy na nagdudusa sa epekto ng ASF virus, ang Bureau of Customs bilang mga frontliners ay lalo pang maghihigpit sa ipinapatupad na border control laban sa posibleng

pagpasok ng meat products mula sa mga ASF affected countries.

Kaya inilunsad nila ang maigting o ‘intensified and targeted profiling, X-ray scanning and physical examination’.

Ang patuloy na pagkalat ng ASF sa bansa ang itinuturong dahilan ng pagmahal ng presyo ng mga karneng baka at baboy sa mga pamilihan mula pa noong nakaraang Disyembre hanggang sa kasalukuyan. (Joel O. Amongo)

171

Related posts

Leave a Comment