Kinastigo sa social media MGA KANDIDATONG BASTOS ‘IPINAKO SA KRUS’

MISTULANG napaaga ang Semana Santa sa ilang kandidato ngayong May 2025 midterm election nang magkakasunod na nag-viral ang kanilang hindi kaaya-ayang pananalita sa kanilang kampanya.

Animo’y ipinako sa krus ng mga netizen si Pasig Congressional candidate Atty. Christian Sia, si Misamis Oriental Gov. Peter Unabia at Batangas gubernatorial candidate and incumbent Mataas na kahoy Vice Mayor Jay Ilagan. Marami pang sumunod sa kanila na inisyuhan ng show cause order ng Comelec.

Malaking papel ang ginampanan ng social media para maiparating sa Comelec ang mga kabastusan at diskriminasyon ng ilang kandidato.

Matatandaang kinastigo si Sia sa kanyang solo nanay joke na ikinairita ng marami at itinuring itong kabastusan sa mga ina na solong nagtataguyod ng mga anak.

Si Unabia ay na-call out sa kanyang diskriminasyon sa mga babaeng nurse. Sinabi kasi ng gobernador na ang kursong nursing ay para sa mga babaeng magaganda lang dahil kapag pangit ay baka lumala pa ang sakit ng pasyente.

Para kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, pambabastos din sa kababaihan at mga nurse ang pahayag ng gobernador ng Misamis Oriental.

“HINDI PHYSICAL APPEARANCE ANG PROBLEMA, KUNDI ANG PANGIT NA PAMAMAHALA,” aniya.

Si Batangas gubernatorial candidate at incumbent Mataas na kahoy Vice Mayor Jay Ilagan naman ay naisyuhan ng show cause order matapos ding kastiguhin ng mga netizen ang patutsada nito sa kalabang si Vilma Santos nitong March 29 na isang panlalait at pagmamaliit sa edad nito at kanyang fans.

Pahayag ni Ilagan: “Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na… marami naman sa mga fans niya ang namahinga na rin… At saka lagi ang sasabihin ko sa inyo ay iba ang governor na nahihipo.”

Basahin ang mga reaksyon ng netizen sa mga nabanggit na kandidato:

Cece:
Well, if he bows out of the Congressional race, pwede siyang makakuha ng trabaho sa comedy bar. I’ve been to a few, and the hosts always love to shame a person in the crowd.

Batute:
Lalo niya nilulubog sarili niya pag nagsasalita siya. Tumahimik na lang sana sya.

Jesse:
From demeaning single mothers to body shaming married ones.
The man keeps digging himself deeper into his own hole.
Just shows that education from top schools do not necessarily build character.

Mindpower:
That reflects his behavior and the kind of person he is. Dutae normalized this type of behavior that degraded the traditional values of respect and humility.

jhay:
I think kasalanan din ng COMELEC kung bakit andaming kandidatong salaula at mga buwaya di nila masalanng mabuti kasi NAPAKALUWAG NILA it’s time cguro na higpitan NILA

odanocnemleur:
pag hinayaan nyong makatakbo yan, mamimihasa lang ang iba kasi sorry lang pala ang katapat at ayos na lahat. kaya lumalakas ang loob eh…

Tito:
@COMELEC kung talagang trabaho na maayos ang ibig nyo, at hindi lang pa-pogi disqualification na sagot dyan, isama nyo na din yung mga may kaso na tumatakbo.

pie:
Hindi titigil ang mga ganitong campaign tactics until matapatan ng disqualification. Sampolan na iyan please.

Cris:
Gusto nya talaga yung nireregla pa. Bubuntisin nya ba?

Zen:
And to think , he is a lawyer! Parang trend sa mga lawyers yong pagkamayabang at bastos!

leila:
Ganyan kababa uri ng mga Politiko ng Pilipinas!

CEB:
After Christian Sia, now is Misamis Oriental Gov. Peter Unabia. What kind of mindsets do our politicians have?

Pry:
sadly, madami ding kasing tangang mga botante, kaya naglalabasan din yung mga ganitong politician. wala na pagasa pilipinas

BrownChichi:
Langya, yung isa pwede daw makisiping ang mga single mother tapos eto naman nursing scholarship for beautiful women only. Ganito na ba talaga kababa ang kalidad ng mga tumatakbo sa politika? Nakakasuka na!

Phil:
Politicians have long been like this. And they do this because this is where they think the level of their voters are. In short kapag ganito magjoke kandidato niyo, insulto yun sa inyo. Kasi tingin nila pwede nilang gawin yan at iboboto pa rin sila ng tao.

Norma:
Pababa ng pababa kalidad ng mga pulitiko ng Pilipinas… VOTE WISELY!

jj:
Gagamitin mo na nga lang ang propesyon namin sa kampanya mo, di mo pa pinagana isip mo.

da:
“Bawal lalaki at unattractive na nurse”
Sabi ng governor na panget

MatchPoint:
Misamis Oriental is doomed! They have a sleazebag politician

26

Related posts

Leave a Comment