KINIDNAP NA CHINESE NA-RESCUE SA BATANGAS

BATANGAS – Nasagip ng mga awtoridad ang isang Chinese national na kinidnap ng umano ay kanyang mga kapwa Chinese at dinala sa lalawigang ito, noong Linggo.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, dakong ala-1:30 noong Linggo ng hapon nang makarating sa isang gasoline station sa Brgy. Aguila, sa bayan ng San Jose ang Chinese national.

Matapos hindi maintindihan ang sinasabi ng biktima, tumawag na ng mga awtoridad ang mga empleyado ng gas station.

Sa imbestigasyon at sa pakikipag-ugnayan ng San Jose Police sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group o AKG sa Camp Crame, Quezon City, napag-alaman na ang Chinese na natagpuan ay si Wang Pengxiang, 28, na unang napaulat na kinidnap ng kapwa Chinese nationals sa Pasay City noong Hulyo 6.

Ini-report ng Chinese Embassy sa AKG ang pagkawala nito noong nakaraang Linggo.

Dinala umano ng mga kidnaper sa Batangas ang biktima subalit iniwan sa gilid ng highway sa boundary ng bayan ng San Jose at Batangas City.

Nakatakdang i-turnover ng San Jose Police ang biktima sa tanggapan ng AKG para sa patuloy na imbestigasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

188

Related posts

Leave a Comment