KITA NG BOC TUMAAS DAHIL SA POST CLEARANCE AUDIT

Bilang bahagi ng hakbang ng Bureau of Customs’ (BOC) sa pag­kulekta ng naaayon sa batas na kita, ang Bureau sa pamamagitan ng Post Clearance Audit Group (PCAG) ay nakaabot ng accomplishments dahil sa pagsisikap ng kanilang Post Clearance.

Sa kanilang report, ang Post Clearance Audit Group ay binigyan diin ang tagumpay ng kanilang koleksyon ng karagdagang mga kita para sa nakaraang taon 2020.
Tinatayang may halagang Php 1.2 billion bilang bahagi ng 168 Audit Notice Letters (ANL) insyu para sa parehong taon.

Karagdagan ito para sa ANLs at revenues collected noong 2020, na nakatala rin sa PCAG na isang optimistikong karagdagang kita na makulekta mula sa post clearance audits mula 2019.

Sa kasalukuyan ay may nananatiling 26 demand letters na kinokulekta na may tinatayang halagang Php 12 billion, labing walong (18) nagkakahalaga ng Php 5 billion na kung saan ay sumailalim sa motion for reinvestigation/reconsideration at walong (8) may halagang Php 6.9 billion ay nanana­tiling hindi pa bayad at para isanggunin sa BOC legal service para sa pagsasampa ng collection suit.

Sa pagtatapos, tinukoy ng PCAG ang kahalagahan ng post clearance audit at ang karagdagang revenues na makatutulong lalo na sa pagrekober ng bansa mula sa tama ng COVID-19.
(Jo Calim)

128

Related posts

Leave a Comment