Klase suspendido TIGIL-PASADA TATAPATAN NG LIBRENG SAKAY

NAGLAAN ng karagdagang bus at magbibigay rin ng libreng sakay ngayong araw sa pag-arangkada ng transport strike ng grupong Manibela.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, maglalagay sila ng karagdagang mga bus sa EDSA busway at librang sakay naman para sa Light Rail Transit (LRT-1 at LRT-2) at Metro Rail Transit (MRT-3).

Itinakda ng Manibela ang kanilang tigil-pasada mula ngayong Lunes hanggang Miyerkoles, (Marso 26).

Apela ni Dizon, huwag na nilang ituloy ang transport strike at sumama na lamang sa diyalogo sa DOTr.

“Panawagan natin na sana para sa ating mga kababayan na hirap na hirap na sa pang-araw-araw na pagko-commute, sana huwag nang mag-strike. Instead, sana mag-usap na lang muna para maintindihan ng bagong liderato sa DOTr ang mga hinaing nila,” ani Dizon.

Nag-anunsyo ng tigil-pasada si Manibela Chairman Mar Valbuena kaugnay ng kanilang panawagan sa nakaambang jeepney phaseout dulot ng jeepney modernization program.

Kaugnay nito, sinuspinde naman ang face-to-face classes sa ilang paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Nag-anunsyo na walang pasok sa lahat ng level ang: Adamson University; Cavite State University main campus (hanggang 26); Centro Escolar Integrated School Manila; Colegio de San Juan de Letran; Far Eastern University (Manila at Makati campus); Manila Central University; Manuel L. Quezon University; Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Philippine College of Criminology (hanggang Marso 26); St. Louis Anne Colleges of San Pedro Laguna Inc. (hanggang Marso 26); Trinity University of Asia (hanggang Marso 26); University of the East (hanggang Marso 26); University of Perpetual Help System – Laguna; University of Santo Tomas; Malolos City, Bulacan (Public at Private).

27

Related posts

Leave a Comment