KLASE, TRABAHO SUSPENDIDO SA BAGYONG ULYSSES

SINUSPINDE ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa Region II, III, Calabarzon, MIMAROPA, V, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region simula kaninang alas-3 ng hapon.

Ito ay nang magsimulang maramdaman ang pagkilos ng bagyong Ulysses.

Naglabas ng Memorandum Circular No. 82 ang Malakanyang na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea para sa naturang suspensyon.

Nakasaad sa MC na inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at bunsod na rin ng patuloy na pagsama ng panahon dahil sa bagyong Ulysses ang suspensyon ng trabaho at klase sa mga nasabing lugar epektibo alas-3 ng hapon hanggang bukas, Nobyembre 12.

Gayunman, ang mga ahensiya na ang gampanin ay pagde-deliver ng basic health services, prepardeness/response sa mga sakuna at kalamidad ay magpapatuloy.

Ang suspensyon naman ng trabaho sa pribadong kumpanya, tanggapan, eskuwelahan ay nasa diskresyon na ng kani-kanilang hepe o pinuno.

Sa huling ulat ng PAGASA, patuloy ang paglakas ng Typhoon Ulysses habang papalapit ito sa Quezon-Aurora area.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 60 kilometers East Northeast ng Daet, Camarines Sur dakong 4:00 ngayong hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment