UMABOT na sa 15 ang pambato ng Pilipinas sa Olympic Games matapos mag-qualify sina sprinter Kristina Knott at judoka Kiyomi Watanabe nitong Miyerkoles.
Kinumpirma ng International Judo Federation ang pagkakasama sa pangalan ni Watanabe sa Tokyo Games via continental quota, nang tumapos siyang 41st sa women’s 63kgs division na may 1506 points.
Ang Filipino-Japanese mula sa Cebu ay unang pagkakataong sasabak sa Olympics. Wagi siya ng limang SEA Games gold at silver sa 2018 Asian Games.
Siya rin ang ikatlong sunod na judoka na mapapalaban sa Games kasunod nina Kodo Nakano (2016) at Tomohiko Hoshina (2012).
Sa panig ni Knott, nabigyan siya ng Olympic berth sa women’s 200m sprint sa pamamagitan ng university rule, matapos ang 39th place sa World Athletic rankings.
Gaya ni Watanabe, first timer din ang 25-anyos na si Knott sa Olympics. Nanalo rin siya ng dalawang ginto at dalawang silver sa 2019 SEA Games at hawak ang Philippine record sa 200-meter (23.01 seconds).
