Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Bureau of Custom’s (BOC) sa tinatawag na revenue-generating agency, bumalangkas ang ahensiya sa pamamagitan ng kanilang Post Clearance Audit Group (PCAG) ng kanilang accomplishments para sa unang buwan ng 2021.
Ang pinaigting na post-clearance audit verification and investigation ng mga pinaghihinalaang importers na lumabag sa provisions ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ay nagresulta sa koleksyon na PHP 191,383,743.21 karagdagang duties and taxes para sa Enero 2021, na may tatlong (3) Demand letters collected at dalawamput-isang (21) filed applications para sa Prior Disclosure Program (PDP).
Sa 21 PDPs na nai-file noong Enero 2021, 17 dito ay mula sa Mechanically Deboned Meat (MDM) importers sa ilalim ng audit tallying ay may kabuuang Php 36,591,544.77.
Noong 2020, ang PCAG ay nakabuo naman ng karagdagang revenue ng Php 1.2 billion, bilang bahagi ng post clearance efforts na binubuo ng 168 inisyung Audit Notification Letters (ANLs), na
ang 60 ay inisyu laban sa importers ng MDM noong Oktubre 2020.
Para sa Enero 2021, sa report ng PCAG ang kalagayan ng ANLs anim (6) na PDP applications na pinayagan at limang (5) Final Audit Reports (FAR) ay kumpleto na nagresulta ng pag-iisyu ng
dalawang (2) bagong Demand Letters na nagkakahalaga ng Php 14,708,501.21.
Samantala, pitong importers ang inirekomenda para sa suspension. Karagdagan nito, 28 bagong ANLs ang inisyu, na ang 17 ay pawang importers sa coffee industry, 10 sa oil at petroleum industry
at 1 consignee inisyuhan ng ANL para sa pagsunod na inisyu base sa profiling na isinagawa.
Ang Post Clearance Audit Group ay umaasa sa karagdagang revenues na maaaring makolekta mula sa post clearance para sa natitirang mga buwan ng 2021.
Sa kasalukuyan ay may 24 demand letters na kinokolekta ang ahensiya at tinatayang aabot ng P12 billion ang halagang makukuha. 18 dito ay nasa motion for reinvestigation/reconsideration na
may halagang Php 5 billion, at 8 ay nananatiling hindi bayad at para isangguni sa BOC Legal Service para sa pagsasampa ng collection suit na may halagang Php 6.9 billion.
Ang Bureau of Customs, sa pamamagitan ng Post Clearance Audit Group ay matatag sa kanilang misyon at mandato na pagkolekta ng naaayon sa batas sa pamamagitan ng pagtitiyak ng paniningil
ng tamang duties and taxes para ang bansa ay maka-recover sa gitna ng kasalukuyang health crisis. (Boy Anacta)
263
