KOMUNIDAD NG MARAWI BUHAYIN NA

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na panahon na upang itayo ang kabahayan sa Marawi City, apat na taon matapos ang kaguluhan na nagresulta sa displacement ng maraming residente.

Sinabi ni Angara na nasa 1,200 ang nasawi sa Marawi siege habang tinaya sa P17 bilyon ang nawasak na mga ari-arian at economic opportunities na nawala.

Nasa mahigit 350,000 katao rin ang nawalan ng tahanan bagama’t bumaba na ito sa 126,000.

“The biggest casualty were the hopes and dreams of the proud Maranao people,” dii naman ni Angara.

Ito ang dahilan kaya’t isinusulong ni Angara ang Senate Bill 2420 para mabigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng Marawi City siege.

ANg panukala ay inihain bilang substitution ng Senate Bills 1395 nina Majority Leader Migz Zubiri, Senators Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino, Bong Go, at Imee Marcos; at 2394 nina Sen. Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Richard Gordon.

Sa panukala, magkakaloob ng tax-free monetary compensation sa mga mayari ng residential, cultural o commercial structures sa Marawi’s Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA).

“Ngunit bukod sa marami ang nahihirapan ibigay ang kinakailangang proof of ownership para sa permit na ito, mas marami ang walang pondo para simulant ang muling pagtayo ng kanilang tahanan,” saad ni Angara.

“Ito ang tinutumbok ng ating panukalang batas. Walang saysay kasi ang anumang rehabilitasyon ng Marawi kung hindi makakauwi ang mga taga Marawi. At kapag may bayad-pinsala o compensation silang matatanggap para sa property nila na nasira o nawasak, mas meeengganyo silang magsimula at itayo muli ang kanilang buhay sa Marawi,” paliwanag ng senador.

Nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng Marawi Compensation Board para sa distribution ng compensation sa mga claimants. (DANG SAMSON-GARCIA)

272

Related posts

Leave a Comment