Komunikasyon ng mga drug lord sa ob-lo puputulin SIGNAL JAMMERS SA MGA PIITAN

(CHRISTIAN DALE)

INIREKOMENDA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang paggamit ng signal jammers upang maputol ang komunikasyon ng mga drug lord sa kanilang mga kontak sa labas ng piitan.

“We need to cut their communication. They use phones to conduct their drug trade. So we need signal jammers to stop their communication outside,” ayon sa kalihim.

Bukod dito, plano ring magsagawa ng surprise drug tests ni Abalos sa mga kulungan na pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito’y dahil sa mga ulat na may bigtime drug lords ang di umano’y nag-o-operate sa loob ng mga bilangguan.

Nitong Martes, sa nagsagawa ng command visit sa BJMP National Headquarters si Abalos.

“Magpapa-urinalysis ako sa jails. So I’m warning each and every BJMP warden and personnel, kapag may nagpositive, then it means na may nakapasok na droga sa mga jail facilities natin,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, gusto rin ni Abalos na magsagawa ng testing para sa posibleng communicable diseases bago i-admit sa bilangguan ang mga PDL.

Target ni Abalos ang medical screening at physical exams bago pa ang admission dahil na rin sa posibleng pagkalat ng sakit sa congested cells.

Ipinanukala rin nito ang paglikha ng memorandum circular kaugnay sa “prevention and response” ng BJMP na may kinalaman sa monkeypox.

222

Related posts

Leave a Comment