KONSTRUKSIYON NG SANGLEY AIRPORT 24/7 NA

sangley point21

(NI KEVIN COLLANTES)

SIMULA nitong Huwebes, Hunyo 13, ay round-the-clock na ang konstruksiyon ng pamahalaan sa Sangley Airport sa Cavite.

Ito’y batay na rin sa kautusan mismo ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, sa layuning makaabot sa deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para tapusin ang proyekto.

Ayon kay Tugade, simula nitong Huwebes ay nagdagdag na sila ng manpower, equipment at pinalawig ang working hours sa proyekto, upang mapabilis ang konstruksiyon nito.

Matatandaang sa ginawang surprise inspection sa NAIA kamakailan bunsod na rin ng ulat na nagkakaroon ng pagkaantala at kanselasyon ng mga biyahe, ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte na pabilisin ang konstruksiyon ng paliparan.

Nais ng Pangulo na makapagsimula na makapagserbisyo ang Sangley Airport ng mga domestic flights pagsapit ng Nobyembre, sa layuning ma-decongest ang NAIA.

Bilang pagtalima, kaagad namang nakipagpulong ang task force, na pinamumunuan ng DOTr, sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Air Force (PAF), at Sangley airport project contractor at tinalakay ang konstruksiyon ng Cavite gateway.

Pumayag naman ang kontratista ng paliparan na magsumite ng weekly progress report, habang inaasahang magkakaroon din ng weekly site inspection sa proyekto ang mga transport officials, upang matiyak na makatatalima sa kautusan ng Pangulo.

“Whatever it takes, we need to make sure that the directive of the President is delivered. Hire more manpower to work 24/7. Kailangan matapos ’yan on or before the timeline set by President Duterte,” pagtiyak naman ni Tugade.

247

Related posts

Leave a Comment