KORUPSYON, DROGA PROBLEMA PA RIN SA BILIBID

(BERNARD TAGUINOD)

NANANATILING malaking problema ang droga at katiwalian sa National Bilibid Prison (NBP).

Ito ang pahayag ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na nagpatawag ng imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng isang inmate sa maximum security compound ng NBP.

“The killings inside the New Bilibid Prison continue with impunity despite the recent change of leadership at the Bureau of Corrections. Corruption, drugs, and other illegal activities are a daily occurrence in the four walls of the national penitentiary,” ani Tulfo.

Unang inulat ni Tulfo sa kanyang radio program ang pagkawala ng inmate na si Michael Angelo Cataroja, 25 anyos, na nakakulong sa Dormitory 5 noong unang linggo ng Hunyo 2023 at saka lang inireport ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Department of Justice (DOJ) noong Hunyo 15.

Sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG), ginalugad ang maximum security compound kung saan nakuha umano ang bangkay ni Cataroja sa loob ng septic tank ng Dormitory 8 noong July 25.
Nilinaw naman kahapon ng BuCor na hindi pa rin natatagpuan ang naturang bilanggo.

Ayon kay BuCor Executive Assistant Angie Bautista, nagpapatuloy pa rin ang paghuhukay sa naturang septic tank.

“The question now is, how did he die? The reason is clear. For sure, he did not take a bath in that septic tank. According to my source, there are a lot of remains in the septic tank,” ayon pa kay Tulfo.

Ang pagpatay sa nasabing PDL ay isa sa mga hinihinalang dahilan ng pagsiklab ng riot sa Bilibid kamakalawa na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 9 iba pa.

204

Related posts

Leave a Comment