Koyang Erwin Tulfo sure winner na!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

TAMA, korek na korek, ika nga ang sinasabi ng maraming opinion at political survey, always number 1 at talagang malakas na contender si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin “Koyang” Tulfo na kandidatong senador sa May 2025 midterm elections.

Sa totoo lang, expected na natin na mataas ang approval rating ni Koyang Erwin kasi dear readers, very impressive, remarkable at hindi pa rin napipingasan ang kanyang integridad bilang isang mabuting mambabatas, at ang kredibilidad niya bilang media person, nananatiling sky high, sabi nga ng mga katropa nating mamamahayag.

Imagine, iisa ang tinutumbok at thumbs-up rating ni Koyang Erwin sa survey ng OCTA Research, Social Weather Station (SWS), Pulse Asia at iba pang survey firms, kundi number 1, hindi bumababa sa numero 3 ang pangalan niya sa posibilidad na manalo — tiyak bilang senador.

Bakit nga naman hindi, tiyak na may kasangga na ang utol niyang si Sen. Raffy Tulfo para magpanukala ng matitinong batas para sa kagalingan ng madlang Pinoy, at maging magkabisig sila sa paghalukay, pagbusisi at pag-uusig sa mga tiwali sa gobyerno at mga kasapakat sa pribadong sektor.

***

Sa mga hindi pa nakakikilala kay Koyang Erwin, ito po siya: He’s a former newspaper and TV reporter, columnist and broadcaster at dating secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at nanunungkulang kongresista ng kanilang party-list bilang kapalit ng nag-resign na 3rd nominee na si Jeffrey Soriano noong Pebrero, 2024.

Sobrang taas ng tiwala ng mamamayang Pilipino sa ACT-CIS Party-list na ayon sa rekord ng Commission on Elections (Comelec), nananatiling Number 1 sa lahat ng party-list na lumalahok tuwing tatlong taon na eleksyon.

Consistent ang ACT-CIS Party-list sa nakakukuha ng pinakamaraming boto at may tatlong nominee na kongresista sa House of Representatives, at patunay ito sa napakataas na pagtitiwala ng madlang Pinoy.

Naka-pokus kasi itong ACT-CIS Party-list o Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Party-list, sa isyu ng paglaban sa krimen, kaligtasan ng publiko, pagtulong na mapagaan ang buhay ng mamamayang kapos sa buhay at iba pang adbokasiya na magbigay ng hustisya at kabuhayan.

***

Kung ang ibang kongresista ay nag-uudyok ng “military confrontation” sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), iba ang nais ni Koyang Deputy Majority Leader Koyang Erwin Tulfo.

Last year, sa kanyang resolusyon, nais ni Koyang Erwin na ihatag na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang pambabardagul ng China, ibig sabihin, makialam na sa patuloy na agresyon ng mga barko ng China Coast Guard sa ating mangingisda at sa ating Philippine Coast Guard.

Kung maaayos pa sa maginoong usapan, gawin pero kung barasuhan, hehehe, kilala natin si Koyang Erwin at maging ang mga utol niyang sina Sen. Raffy Tulfo, Mon Tulfo at Ben “Bitag” Tulfo, hindi sila pasisindak.

Kung makukuha sa mahinahong usapan sa UN, salamat pero kung hindi na, aba, sa paspasang laban, handa si Koyang Erwin, kasama ang sambayanang Pinoy na ipagtanggol ang ating bayan.

Sa inihatag nga niyang House Resolution 1766 noong isang taon, nais ni Rep. Tulfo na hilingin sa UN na gumalaw ito, ayon sa UN Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) at sa desisyon ng Arbitration Court sa The Hague, Netherlands noong Hulyo 2016, na ideklara ngang “pasaway” at walang karapatang manggulo ang China sa pagkamkam sa halos buong South China Sea.

Kung gagawin ito ng UNGA, magbibigay ito ng malakas na diin, impluwensiya at karapatan sa Pilipinas na mas palakasin pa ang deklarasyon sa sigaw natin na “Atin ang WPS,” bukod sa likas nating patriotismo na ilaban nang patayan ang talagang ating teritoryo sa karagatan.

Kung makukuha natin ang simpatya ng UNGA, mas makatarungang aksyong moral ang makukuha natin sa paghikayat sa China na sundin at igalang ang ating karapatan sa WPS at maturuan ang China na magpasakop sa desisyon ng UN bilang isa sa permanent member nito at magpakita ng halimbawa ng pagkamasunurin sa batas international.

Ugali at astang pang-senador nga ang ganitong kilos ni Koyang Erwin.

Sa personal kong paniniwala, karapat-dapat na iupo natin siya sa Senado at nang maisulong ang mga panukalang magpapalakas sa paghahatid ng mga programang sinikap at maayos na nagawa niya noong siya ay DSWD secretary.

Kailangan ang isang mambabatas na likas sa puso ang mapagkalinga sa kapwa, at hindi lang ‘yon, ang nasa diwa ay agad na isinasagawa, at kahit pa may nakahambalang na mga hadlang, ginagawan agad ng paraan.

Kailangan kasi ay maging resourceful, ang maging alisto at malikhain na natutunan at naging eksperto siya noong aktibo pa sa media at nagamit niya ang talino at expertise na ito nang siya nga ay maging DSWD secretary.

Hanggang ngayon, nasa puso ng mga nahatiran niya ng kawanggawa at kalinga, ang kanyang pagmamahal, at nagtitiwala ako, tulad ng sinasabi ng mga survey, sa 2025 tiyak na ang panalo ni Koyang Erwin bilang senador.

Maging kaisa tayo sa matinong boto, ating iluklok si Koyang Erwin Tulfo sa Senado.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.

10

Related posts

Leave a Comment