KREDIBILIDAD NI ACIERTO BILANG SAKSI NG QUADCOM KINUWESTIYON

PUNA ni JOEL O. AMONGO

DUDA si Rose Nono Lin sa kredibilidad ng sinibak na Police Colonel na si Eduardo Acierto bilang isang mapagkakatiwalaang saksi sa kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee sa war on drugs ng Duterte administration.

Binanggit ni Nono Lin na si Acierto, dating isang miyembro ng PNP Anti-Narcotics Unit, ay iniuugnay sa P11-billion halaga ng smuggled drugs na nakalagay sa magnetic lifters na natuklasan sa Manila International Container Port (MICP) at sa isang lugar sa Cavite noong 2018, at may patong sa kanyang ulo na P10 million.

Ang dating opisyal na ito ay kinasuhan din sa ilegal na pagbebenta ng mahigit sa 1,000 high-powered firearms na may halagang P52 million sa mga komunista sa panahon ng dating Aquino administration, at sa pagkakasangkot din nito sa kidnapping, kasama na ang South Korean businessman na si Jee Ick-joo, na natagpuang patay noong October 18, 2016 sa loob ng Camp Crame, sa headquarters ng Philippine National Police (PNP).

Binanggit ni Nono Lin ang isyu matapos na idawit ni Acierto na ang kanyang asawang negosyante na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, at ang drug personality na si Allan Lim ay iisang tao lamang.

Matatandaan na isinumite ni Acierto ang nasabing report noong 2019 kina Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Sa naturang report, sinabi ni Acierto na natuklasan niya sa pamamagitan ng isang impormante ang koneksyon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, former economic adviser Michael Yang, at Allan Lim, na kilala rin bilang Lin Wei Xiong sa drug trade.

Sinabi naman ni dating PDEA chief Wilkins Villanueva kamakailan, sa mga miyembro ng House Quad Committee na ang report ni Acierto ay “raw” o hindi na-verify, at idinagdag na walang patunay na ang mga paksa ay nauugnay sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ngunit iginiit ni Acierto na ang kanyang ulat ay hindi naaksyunan dahil noon ay si Pangulong Duterte ang tagapagtanggol nina Yang at Lim.

Sinabi naman ni Nono Lin na, “If Acierto is really telling the truth, why doesn’t he come out and face the cases against him.”

Ipinunto rin niya na hindi tulad ni Acierto, ang kanyang asawa ay hindi subject ng anomang warrant of arrest at hindi rin subject ng nakabinbing kaso sa korte.

“Acierto should man up. Face the music if you are really clean,” dagdag pa ni Nono Lin.

Hindi kaya nagagamit ni Acierto ang Quadcom para protektahan siya laban sa mga kasong kinahaharap nito sa bansa? Hindi basta-bastang mga kaso ang nakasampa laban sa kanya.

85

Related posts

Leave a Comment