KRIMEN BUMABA – PNP Pero droga ‘di pa rin humuhupa

SA nakalipas ng limang taon, halos kalahati na ang ibinaba ng krimen sa bansa, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Gayunpaman, walang hayagang impormasyon hinggil sa paghupa ng kalakalan ng droga sa bansa.

Sa estadistikang inilabas ng Philippine National Police, nakapagtala ng 49.6% na antas na pagbaba ng krimen sa buong kapuluan.

Pinakamataas ang naitalang bawas sa kategorya ng “crimes against properties.”

“The biggest decline in crime incidents was posted in Mindanao at 53.81%, with 48.42% and 45.30% in Luzon and Visayas, respectively,” ani Eleazar na tumukoy sa mga datos ng National Crime Environment Report na mula naman sa Crime Information Reporting and Analysis System.

Mula 2010 hanggang 2015, nakapagtala ng 2.67 milyong insidente ng krimen – malayo sa 1.36 milyong kaso mula 2016 hanggang sa taong 2021.

Nanguna ang Mindanao na may 53.81% drop sa kategorya ng index crime mula Hunyo 2016 hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, pumangalawa ang Luzon na may 48.42% crime rate drop habang 45.30% naman ang antas ng bawas krimen sa Visayas.

“All these marked improvement in the overall crime picture translate to better security outlook among our people and further add to upbeat investor confidence that spur economic growth despite the ongoing health crisis,” ani Eleazar. (JESSE KABEL)

167

Related posts

Leave a Comment