KRISIS SA EDUKASYON LUMALA KAY VP SARA

IMBES maresolba ang krisis sa edukasyon, lalo itong lumala nang pamunuan ni Vice President Sara Duterte ang Department of Education (DepEd).

Opinyon ito ni House deputy minority leader France Castro matapos ang nakadidismayang resulta ng EDCOM II report.

“The EDCOM II findings confirm what we have been saying all along – that VP Sara Duterte’s stint as DepEd Secretary was marked by gross mismanagement and neglect that worsened our education crisis,” ani Castro.

“Sa halip na tugunan ang mga pangunahing suliranin ng edukasyon, ginawa pa niyang personal na piggy bank ang confidential funds ng DepEd at pinabayaan ang mga tunay na pangangailangan ng mga mag-aaral at guro,” dagdag pa nito.

Base EDCOM II reports hindi umano naipatupad nang maayos ang MATATAG curriculum dahil hindi naideliber kaagad ang mga textbook, kawalan ng training ng mga guro at paglobo ng classroom backlog ng mahigit 165,000.

Nawalan din umano ng halos kalahati ng learning days ang mga estudyante dahil sa mga class suspensions at kalamidad subalit walang ginawang konkretong hakbang si Duterte para masolusyunan ito.

Hindi naman ikinagulat ni dating congressman Antonio Tiño ang report ng EDCOM II reports dahil imbes tutukan ni Duterte ang problema sa edukasyon ay mas inatupag nito ang paggastos sa kanyang confidential funds.

“Her autocratic management style and militaristic approach to education were completely inappropriate for addressing the complex challenges facing our education system,” ani Tino.

“Imbes na pakinggan ang mga guro at education stakeholders, pinili niyang gamitin ang kapangyarihan para sa kanyang personal na interes at political ambitions,” ayon sa dating mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

31

Related posts

Leave a Comment