KULTURANG PINOY AT IMPLUWENSYA NG IBANG LAHI

KULTURANG PINOY

Batid natin na ang kultura ng Pilipinas ay nahaluan ng mga kultura ng iba’t ibang lahi.

Sa kultura, iba’t iba ang napaloloob dito tulad ng mga kaugalian sa pananampalataya at paniniwala, politika, aktibidad at mga kapistahan, kasuotan, mga pagkain, at kung anu-ano pa.

Ang mga kulturang tinutukoy natin ay mula sa mga Kastila, Intsik, Hapon, Amerikano at iba pa.

ILANG IMPLUWENSYA MULA SA MGA KASTILA

Kung tutuusin ang bansa natin ay nasasakop ng Asya, pero ang kultura natin ay sadyang mas nakuha sa Euro-American.

Sa tagal na panahon na sinakop tayo ng mga Kastila, makukuha talaga natin ang kanilang kultura. Hindi naman kasi basta ang pamamalagi nila rito sa Pilipinas sa loob ng mahigit 300 taon.

Ang pangalan ng ating bansa na Pilipinas ay hango mismo sa Kastila bilang pagkilala kay King Philip the Second ng Espanya noong 1543.

Sa atin na lamang lengguwahe, naimpluwensyahan ito ng wika ng mga Espanyol kayat kung pakikinggan ang mga salita natin ay hindi nalalayo sa kung papaano rin nila binibigkas ang kanilang mga salita.

Sa ating pananamit partikular sa kababaihan ay baro’t saya ang nakaugaliang kausotan noong unang panahon. Impluwensya rin ito ng mga Kastila kung saan tinuloy nila na ang palda noon ay mas kilala sa tawag na saya habang ang blouse ay ang baro, pinagdikit ang dalawang salitang ito kaya’t may tinatawag tayong baro’t saya.

Ang baro’t saya at barong Tagalog ay mga Pambansang Kasuotan sa atin.

Ang baro ay tumutukoy sa mala-paruparong manggas nito na malapad, ang tela nito ay karani-wang pino at sinasabi ring kahawig ito ng kasuotan ng Birheng Maria.

Samantala ang saya ay kadalasan ding yari sa karaniwang tela na may halong sinamay.

Kasama rin sa pagsuot ng baro’t saya ang alampay o shawl sa Ingles. Ang alampay ding ito ay tinatawag ding panuelo at ginagamit din bilang belo.

IMPLUWENSYA MULA SA MGA INTSIK

May bigat din ang impluwensya ng mga Instik sa mga Filipino.

Nagsimula ang impluwensya nila nang tayo ay nagkaroon din ng pakikipagkalakalan sa mga ito noon pang982 AD. Dito na nasimulan na malahukan ang bahagi ng kultura natin mula sa kultu-ra nila.

May ugali sa pakikipagkalakalan ang nadampot ng mga Pinoy mula sa mga Intsik, sila rin ang may ambag kung bakit nakilala ang ekonomiya partikular noon sa mundo.

Sa lengguwahe rin, hanggang ngayon ay mga lugar pa sa Metro Manila, Baguio, Davao na mga maalam magsalita ng Hokkien o Cantonese.

Mayroon din tayong mga prominenteng tao sa bansa na nahaluaan ng mga Intsik tulad nina da-ting pangulong Ferdinand Marcos at Corazon Aquino. Nariyan din ang nahaluang dugong-Instik tulad din nina Jose Rizal, Sergio Osmeña, Tomas Pinpin, at San Lorenzo Ruiz.

Sa mga pagkaing Pinoy, may lahok din ito ng kultura ng pagluluto ng mga Instik.

Patunay sa mga pagkain nila na naging pagkain na rin natin ay ang pansit, suman, mga sio-pao, munggo at iba pa.

IMPLUWENSYA MULA SA MGA HAPON

Manipis lamang ang impluwensya ng mga Hapon sa ating kultura. Ito ay dahil hindi naman si-la nagtagal sa Pilipinas noong panahong naririto sila.

Ayon sa kasaysayan, ang tanging impluwensya ng mga Hapon ay umusbong na lamang noong sila ay wala na sa Pilipinas. Ang ilan sa mga nakuha natin sa kanila ay ang pagiging bukas ang kamalayan sa pagtangkilik sa teknolohiya at ito ay tulad ng mga karaoke, videoke, game console, camera at iba pa.

1781

Related posts

Leave a Comment