KUMBENTO NG MGA MADRE NATUPOK

NORTH COTABATO – Umabot sa P700,000 ang kabuuang danyos kabilang na ang P200,000 cash na kasamang natupok ng apoy matapos masunog ang kumbento ng mga madre, ang Oblates of Notre Dame Mission House (Women Ecological Sanctuary) sa Barangay Kalaisan sa lungsod ng Kidapawan noong Biyernes ng madaling araw.

Nangyari ang sunog, kasunod ng magnitude 7.3 na lindol sa Davao Oriental na naramdaman din ang pag-uga ng lupa sa probinsya ng Cotabato.

Batay sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa attic ng kumbento na mabilis kumalat sa bahagi ng gusali.

Ayon kay Kidapawan BFP investigator SFO2 Edward Jay Albaraque, iniimbestigahan pa rang posibleng dahilan ng insidente, subalit hindi malayong dahilan ng sunog ang electrical short circuit bunsod ng lindol na nakaapekto sa istruktura at linya ng kuryente ng gusali.

Bukod sa mga gamit, kasama ring natupok ang mahalagang mga dokumento, pera at ang chapel ng kumbento.

Ligtas naman lahat ng apat madre at 20 batang nakatira sa naturang mission house. (BONG PAULO)

168

Related posts

Leave a Comment