KUYA TIGOK SA SUNTOK

CEBU – Basag ang bungo ng isang lalaki nang humampas sa semento ang ulo makaraang bumagsak dahil sa suntok ng kanyang kapatid habang nagtatalo sa bayan ng Labangon, iniulat ng pulisya nitong Martes.

Kinilala ang biktimang namatay na si Michael Cabansay, 52, habang nadakip naman ang suspek at kapatid na si Cromwell Cabansay, 50, kapwa residente sa Upper Greenbelt, Quiot ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Labangon Police Station, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahay ng magkapatid na Cabansay.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid hanggang sa biglang sinuntok ng batang Cabansag ang kanyang kuya.

Sa lakas ng pagkakasuntok, bumagsak ang biktima at tumama sa semento ang ulo.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Labangon Police Station ang suspek. (ANNIE PINEDA)

103

Related posts

Leave a Comment