PERSONAL na binisita ng PUNA sa kanilang barracks ang mga manggagawa ng isang Chinese contractor para sa Sewerage System na magmumula sa Pasig hanggang sa Taytay, Rizal.
Humingi sila ng tulong sa PUNA para makuha nila ang kanilang mga benepisyo sa kanilang kumpanya. Ang tinutukoy po natin ay ang Qingdao Municipal Construction Group Co. Ltd namatatagpuan ang kanilang tangggapan sa B68 Ph3 Brgy. San Juan, San Lorenzo Ruiz. Taytay, Rizal.
Tapos na raw ang kanilang ginagawang manhole para sa sewerage system pero hanggang ngayon ay hindi pa raw ibinibigay ng kumpanya ang kanilang mga benepisyo.
Kabilang sa kanila sanang matatanggap ay ang separation pay, allowance, 13th month at iba pang benepisyo.
Natuklasan din natin na tatlumpu (30) sa kanila ay nagtatrabahong buwis buhay dahil pinapasok nila ang manhole ng sewerage system na halos kasing laki lang ng kanilang mga katawan.
Pagkatapos nilang maikabit ang mga tubo ng manhole na ito ay kanilang pinapasok para linisin ang loob nito.
Ang pinakamatinding inamin sa atin ng mga manggagawa na ito ay ang ampaw na pagkakagawa ng paglalagay ng mga manhole. Hindi raw maayos ang mga pinagkadugtungan nito sa bawat isa. Kaya siguradong hindi tatagal ang mga ito at malamang ay agad na magkahiwa-hiwalay.
Iisa lang ang ibig sabihin nito tinipid ang kontratang ito para malaki ang ganansiya ng contractor, galing ng ginawa ng tsekwang may-ari ng kumpanyang ito.
Paano kaya ito nakakuha ng kontrata sa Pilipinas?
Sa Manila Water daw ito nakakuha ng kontrata. Paging, Manila Water anyare sa inyong mga inspector hindi nyo ba sinilip ang pinagkakadugtungan ng mga manhole?
At bakit hindi rin nakita ng MWSS yan? Pag nasilip ni Pangulong Duterte yan may paglalagyan kayo.
Ayon pa sa mga manggagawa na na-interview ng PUNA maging ngayong may Covid-19 ay hindi man lang sila binigyan ng ayuda ng kanilang kumpanya.
Hindi rin pare-parehas ang ibinibigay nitong suweldo sa kanyang manggagawa dahil mayroong P380 at P400 ang isang araw.
Hindi rin nakakasiguro ang mga manggagawa kung inihuhulog ng kanilang kumpanya ang kanilang hulog sa SSS at PhilHealth na kinakaltas sa kanila.
Bilib naman ang PUNA sa lakas ng contractor na ito na sa dami ng Filipino contractors sa bansa, bakit siya pa ang nakakuha ng kontrata sa sewerage system?
Hanapin natin sa susunod kung sino ang padrino nito sa Pinas.
Buti sana kung maayos ang kanilang trabaho at mabait siya sa lahi ni Juan.
Hindi lang yun, hindi pa naibibigay ang mga benepisyo ng mga manggagawa ay pinapipirma na sila ng ‘quitclaim, release and waiver’.
Isa lang sa mga nakalagay sa pinapipirmahan sa mga mangagawa ay ang nasa page 2. I hereby declare that my separation from the said Company is valid, having been brought about by my voluntary resignation or end of contract effective________________, 2020.
Ngayon kahit wala pang mga biyaheng pauwing probinsiya ay pilit na pinaalis ang mga manggagawa sa kanilang barracks sa Taytay, Rizal.
Malaking problema ang kanilang kinakaharap dahil wala silang mga pera dahil hindi naman ibinibigay ang kanilang mga benepisyo. Pinaaalis pa sila munti nilang pansamantalang tinutulugan.
Tinatawagan natin ng pansin sina Department of Labor Secretary Silvestre Bello III at Mayor ng Taytay, Rizal mga sir may nangangailangan ng tulong nyo ngayong may Covid-19.
Sinikap natin na makausap si Mr. Li Yun Fei ng Qingdao Municipal Construction Group Co. Ltd. subalit hindi pa natin siya makontak para makuha ang kanyang panig.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo at operarioj45@gmail.com.
