LADY COP PATAY SA SUMIRKONG POLICE CAR

DEAD on the spot ang isang lady cop habang limang kasamahan nito ang malubhang nasugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang police car ng City Mobile Force Company (CMFC) habang binabagtas ang national highway sa Sinsayon, Santiago City patungong Cordon, Isabela.

Ang CMFC na nakabase sa Santiago City, ang kauna-unahang All-women Mobile Force Company sa Region 2.

Ayon sa ulat ng Santiago City Police Office, pumutok ang kaliwang gulong sa harap ng police mobile habang binabaybay nito ang national highway ng Barangay Sinsayon bandang alas-4:00 ng hapon.

Sa lakas ng impact, pumakabilang linya ng kalsada ang police mobile car at nahagip ng rumaragasang Sports Utility Vehicle na isang Izusu Mux na minaneho ni Liza Santos Pua ng Callao Alicia, na patungong sentro ng Santiago City, matapos silang tumama sa kongkretong bakod sa harapan ng Villa Ceferina Subdivision sa Barangay Sinsayon, Santiago City

Dead on the spot si Patrolman Archelle Duldulao na nahulog mula sa sasakyan at nasagasaan ng mismong police mobile nang magpaikot-ikot ito.

Nasagasaan din umano si Duldulao ng tricycle na kabilang sa mga sugatan ang driver.

Nasugatan naman ang apat na pulis na kasama ni Duldulao na lulan ng Toyota Hilux CMFC police car na minaneho ni P/Cpl. Berna Austria at sakay sina Pat. Archelle Duldulao, Pat. Pauline Carlos, P/Cpl. Kacelyn Tarayao at Pat. Riza Mae Laureta.

Nang mawalan ng kontrol ang police car ay umagaw ito ng linya at nahagip ang isang itim na Honda TMX 155 tricycle na minaneho ni John Ednard Realin Molina, residente ng Turod Sur, Cordon, Isabela, at ng black Honda single motorcycle na minaneho ni Ivan Ray Catolico Sal ng Turod Sur, Cordon Isabela, at angkas si Aubrey Viundo Labog ng Laurel Centro Norte, Cordon Isabela.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na naka-duty ang mga biktima at papunta sa isang checkpoint ang mga pulis nang mangyari ang insidente. (JESSE KABEL)

100

Related posts

Leave a Comment