LAGLAG SI IMEE

TILA tuluyan nang nilaglag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos sa senatorial line-up ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Ito ay makaraang banggitin ng Pangulo na 11 lamang ang senatoriables ng Alyansa.

Sa magkasunod na campaign sorties sa Cavite at Laguna, hindi na binanggit ng Pangulo ang pangalan ng kanyang kapatid na sa mga naunang rallies ay paulit-ulit niyang ipinangampanya.

Sa pagtatapos ng speech ng Pangulo sa Laguna, nanawagan siya sa publiko na magkaisa at suportahan ang 11 kandidato ng Alyansa.

Muli rin niyang iginiit na kailangan niya ang kakayahan, kapabilidad at karanasan ng kanyang mga kandidato na makatuwang sa pagsusulong ng mahahalagang proyekto sa bansa.

Bukod kay Sen. Imee, ilang beses na ring absent sa campaign rally ng Alyansa si Las Piñas Rep. Camille Villar matapos ang insidente ng pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

(DANG SAMSON-GARCIA)

24

Related posts

Leave a Comment