LAGUNA BALIK MECQ

LAGUNA – Bago pa man matapos ang itinakdang Enhanced community Quarantine classification sa lalawigan, inaprubahan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang pagluluwag ng lalawigan na isasailalim na lamang sa Modified ECQ simula Agosto 16 hanggang sa katapusan ng buwan.

Mananatili naman sa MECQ ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal at Lucena City habang nasa General Community Quarantine with heightened restrictions naman ang ipatutupad sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health 4-A ng 2,268 panibagong kaso ng Covid-19 habang nasa 17,537 ang aktibong kaso sa buong rehiyon kahapon, base sa datos nitong Agosto 12.

Nangunguna ang lalawigan ng Cavite na may 7,772 active cases, Laguna 4,270 active cases, Rizal 2,356 active cases, Batangas 1,878 active cases, Quezon 1,029 active cases at Lucena City na may 232. (CYRILL QUILO)

 

250

Related posts

Leave a Comment