LAGUNA – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking nasagasaan ng tren noong Biyernes hapon.
Ayon sa mga nakasaksi, nakitang nakatayo ang lalaki sa isang tindahan sa gilid ng riles sa Barangay Ibabang Iyam dakong alas-3:00 ng hapon.
Nang paparating na ang tren na patungong San Pablo City, bigla na lamang humiga sa riles ang biktima.
Base sa nakuhang voter’s ID, kinilala ng Lucena PNP ang biktimang si Noel de Los Santos, 61, taga Barangay 9, Lucena City.
Nakaladkad pa ang biktima hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan nito bago nakahinto ang tren.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung bakit ginawa ‘yun ng biktima.
Ito na ang ikalawang naging biktima ng pagkasagasa ng tren mula nang mag-operate ang PNR Inter-City Route sa San Pablo City at Lucena City.
Noon lamang Hulyo 14 ng umaga, isang lalaking lasing ang nasagasaan din ng tren sa halos kaparehong lugar. (NILOU DEL CARMEN)
218 