DAVAO City – Patay ang isang lalaki makaraang pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin ng suspek na umano’y nakaaway nito sa sugalan, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Gerald Cajegas, 34-anyos, residente ng Barangay 14-B, Sta. Ana, Davao City.
Batay sa report ng Sta. Ana Police, ayon sa kuwento ng tiyahin na si Irene Mijares, naghahakot ng kahoy ang kanyang pamangkin papasok sa kanilang bahay nang sundan ito ng suspek at binaril ng tatlong beses saka mabilis na tumakas.
Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay.
Napag-alaman, sinasabing bago ang insidente ay may nakaaway ang biktima sa sugalan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng suspek para sa agarang pagdakip dito. (ANNIE PINEDA)
270 