UMABOT sa P368,560 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa isang Lalamove driver at
katransaksyon nito sa Las Piñas City, dakong alas-7:50 ng gabi noong Lunes.
Ayon sa ulat, nagkasa ng surveillance operation ang Station Intelligence Section ng Las Piñas, sa
pangunguna ni P/Cpt. Bobbe Imbo, laban sa hinihinalang drug courier base sa report ng isang
confidential informant na isang Lalamove PH partner driver ang nagsu-supply ng ilegal na droga sa
erya ng Brgy. CAA sa naturang Lunsod.
Nang dumating ang motorsiklong pula at itim na may rehistrong MV FILE NR 1380-0958653, ay
mismong sa tabi ng sasakyang pribado na gamit ng mga operatiba, pumarada ang suspek na si
Arnel Alfonso na nakasuot ng Lalamove jacket.
Makaraan ang ilang minuto, lumabas ang isang lalaking nakaitim na t-shirt at itim na cap na
kinilalang si Marlon Chavez, 40-anyos, residente ng Opal Street San Antonio, Brgy. CAA, Las Piñas
City.
Nang magkaabutan na ang dalawa ng umano’y shabu ay nilapitan sila ng mga operatiba at inaresto.
Nakuha sa pag-iingat ni Chavez ang 4.2 gramo ng shabu na P28,560 ang halaga habang nakuha kay
Alfonso ang 50 gramo ng shabu na P340,000 ang street value. (DAVE MEDINA)
174
