PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Laoag Airport matapos masira ang ilang pasilidad bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra bandang alas-10:59 ng gabi noong Martes.
Batay sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Laoag Airport, naapektuhan o nagkaroon ng mga pinsala ang ilang building structures, at ang runway ng naturang airport.
Kasabay nito, nag-isyuΒ ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP, magmula nitong araw ng Miyerkoles hanggang Biyernes habang ‘on going’ ang rehabilitasyon sa mga apektadong parte ng paliparan.
Β Dahil sa malakas na lindol sa Abra, ipinakansela ang dalawang Manila-Laoag flight ng Philippine Airlines (PAL).Β (FROILAN MORALLOS)
352 