(Ni ANN ESTERNON)
Hilig nating mga Pinoy ang mamamasyal sa kung saan-saan. Isa sa puntahang destinasyon sa bansa ay ang isla ng Siargao.
Natatangi rin ang isla na ito na animo’y hugis ng luha, malinaw na tubig at maaliwalas na kapaligiran dahil na rin sa palms trees kaya naman hindi ito nawawalan ng mga turista lokal man o mga dayuhan.
Ang Siargao Island ay matatagpuan sa lalawigan ng Surigao del Norte. Ito ay nasa northeastern coast ng Mindanao.
Isa sa mga katangian ng islang ito ay ang mga alon mula sa dagat.
Para sa mga first timer, ang mga naglalakihang alon ay animo’y pagbabadya pero likas lamang ito sa lugar.
Katunayan ang mga naglalakihang alon na ito ay tinatawag na “Cloud 9 waves” na love na love ng mga surfer. Sa madaling salita ang Siargao ay kilalang surfing mecca ng bansa.
Relatively dry season sa islang ito sa pagitan ng Nobyembre at Hunyo. Pero dahil dry season iyan, asahan na crowded ang lugar na ito.
Ngayong panahon ng tag-ulan, maaari munang i-check ang lagay ng panahon at makibalita bago ang pagdayo sa lugar. Maaari ring umasa sa weather applications sa inyong mga gadget para matiyak din ang inyong kaligtasan at purong enjoyment sa pagpunta sa lugar na ito.
KOMUNIKASYON
Hindi rin naman mahirap ang makipagkomunikasyon sa mga taga rito. Surigaonon ang dominant language sa lugar pero ang Tagalog, Cebuano, at English ay naiintindihan din.
Kung reception naman ng inyong mga telepono ang pag-uusapan, ang Siargao ay tulad din naman ng ibang lugar. May oras na malakas ang signal habang paminsan ay may kahinaan din kaya hindi lamang dapat power bank ang baon kundi ang inyong pasenya.
Sa mode of payment ay mas cash ang gusto ng mga taga rito lalo na ang mga nagnenegosyo. Tinatanggap din naman ang credit cards sa mga naglalakihang establishment.
MAGPUPUNGKO ROCK POOLS
May rock formations na matatagpuan sa Tayabangan Cave na kinagigiliwan ding bisitahin ng mga tuirista. Sa labas nito ay mas binibisita ang isa pang kilalang rock formation dito.
Isa sa kakaibang tourist spots sa islang ito na hindi rin napapalampas na puntahan ay ang Magpupungko Rock Pools sa munisipalidad ng Pilar sa Siargao.
Ang Magpupungko ay hango sa Visayan word na “pungko” na ang ibig sabihin ay maupo o upo.
Ito ang main tourist hub sa isla na aabot sa 45 minutong biyahe mula sa General Luna na nasabing lalawigan.
Natural wonder ito ng lugar.
Popular itong dayuhin dahil sa natural ang rock pool na ito kung low tide rin.
Mula sa talampas, hindi rin naman delikado ang mag-dive sa naturang pool na una ang ulo dahil may tamang taas ang lebel ng tubig dito sa mga mahihilig lumangoy. Maliban sa paglangoy ay aktibidad din sa tubig na ito ang mag-snorkling at magbabad.
Sinasabing ang tubig sa pool ay umaabot sa 12 feet ang taas depende kung low o high tide.
Maganda ring pagmasdan at venue ang lugar na ito para kumuha ng iba’t ibang post ng mga larawan. Hindi kayo magsisisi dahil ang Magpupungko Rock Formation ay tunay na “instagrammable”. Animo’y isa itong higanteng mushroom na nakaupo at nakababad sa tubig. Sa ilalim ng higanteng batong ito ay maaari ring magpahinga at magtampisaw o maglaro sa mga tubig na pabalik-balik dahil sa galaw ng mga alon.
Mula sa lugar na ito ay tanaw na tanaw ang kagandahan ng lugar, mula sa napakalinaw at napakalawak na sinasakupan ng tubig maging ang maaliwalas na kalangitan na animo’y bumabati sa mga turista.
Bago marating ang rock formation na ito ay madadaan pa ang iba’t ibang tindahan ng mga pagkain at souvenirs kaya’t walang problema kung abutin man ng gutom sa lugar at kung trip na bumili ng iba’t ibang uri ng mga pasalubong mula rito.
Sa paglalakad patungo sa nasabi pa ring rock formation, maging maingat lamang dahil may mga batong maaapakan na sobrang dulas dahil ito ay mga babad sa tubig.
