LAS PIÑAS NAGNINGNING

NAGLIWANAG na muli ang Las Piñas matapos ilunsad ang ikalawang taon ng Christmas Lighting Ceremony — isang makulay na selebrasyon ng tradisyon, komunidad, at ang kilalang sining ng paggawa ng parol na tatak-Las Piñas.

Ginawa ang programa sa People’s Park, sa tapat ng iconic Bamboo Organ Church sa Brgy. Daniel Fajardo. Tampok ang Giant Christmas Tree na gawa sa lokal na materyales—sumisimbolo ng pagiging malikhain, mainit na pakikisalamuha, at kulturang ipinagmamalaki ng lungsod.

Panauhing pandangal si dating senadora Cynthia Villar, na nagpahayag ng mensahe ng inspirasyon sa mga Las Piñeros: “Bawat isa sa atin ay may kapangyarihang magbigay-liwanag. Ipadala natin ang pag-asa, kapayapaan, at pagkakaisa sa bawat pamilya, bawat bata, at bawat komunidad.”

(DANNY BACOLOD)

44

Related posts

Leave a Comment