BIGO na naman makausad sa final round ng kanyang swimming event sa 2020 +1 Tokyo Paralympics si Pinoy para-swimmer Gary Bejino.
Tumapos siyang pang-anim sa Heat 1 ng men’s 400m freestyle-S6 preliminaries Huwebes ng umaga sa Tokyo Aquatics Centre sa 5:52.28 minuto.
Sa kabuuan ng men’s 400m freestyle-S6 ay 13th place lang si Bejino, malayo sa top 8 swimmers na umusad sa medal round.
Noong Lunes ay kinapos din siya sa men’s 50m butterfly-S6 finals nang makapagtala ng 36.14 segundo at tumapos na 14th place lang overall.
Samantala, may isa na lang natitirang event si Bejino sa Tokyo Paralympics. Ngayong Biyernes ang huling ‘baraha’ niya
sa men’s 100m back-stroke-S6. (ANN ENCARNACION)
120 