WALANG katinag-tinag si dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa no. 1 sa pinakabagong inilabas na Manila Bulletin at Tangere survey noong Enero 24, 2022.
Sa survey na nagsimula noong Enero 18 hanggang 19, 2022, ay nakapagtala si BBM ng 57.67%.
Naunahan na ni Manila Mayor Isko Moreno na nakapagtala ng 16.75% si Leni Robredo na may boto lamang na 15.08%.
Sumunod naman sina Senators Manny Pacquiao na may 15.04% at Ping Lacson na nakapagtala ng 14%.
Sa isinagawang survey ay may kabuuang 2,400 respondents na mga botante ang tinanong.
Ang Manila Bulletin-Tangere partnership survey ay nagtanong din kung sino ang second choice o pangalawang gusto ng mga tao na maging presidente.
Lumalabas na nangunguna si Moreno na may 56.00% boto; sumunod si Sen. Pacquiao na may 15.04%; at Lacson na may 14.00%.
Sa vice presidential aspirants, ang unang gusto ng respondents ay si Mayor Inday Sara Duterte na may 53.17%.
Sumunod sina Sen. Tito Sotto na may 19.42% at Dr. Willie Ong na may 17.54%.
Kapuna-PUNA na sa lahat ng mga inilabas na score sa survey, maging sa first at second choice para sa president at vice president ay nananatiling pinakamataas ang boto ni BBM sa kanilang lahat.
Kahit pa pinagsama-sama ang apat na katunggali ni BBM na sina Moreno, Robredo, Pacquiao, at Lacson na may kabuuang survey na 60.87% – 57.67% ni BBM, ay lumalabas na may 3.2% diperensiya lamang sila sa batang Marcos.
Lumalabas din na ang pinaglalabanan na lang ng apat na presidentiables ay ang pangalawang pwesto dahil sa sobrang layo ng agwat ng kanilang boto kung ikukumpara kay BBM.
Dahil sa tuloy-tuloy na mataas na resulta ng survey ni BBM sa apat na buwan na nalalabi bago maganap ang May 9, 2022 national at local elections, ay mahihirapan na ang kanyang mga katunggaling makahabol pa sa kanya.
Kamakailan, lumabas na si Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa lahat ng presidential aspirants, sa Facebook adrvertising na nakapagtala ng mahigit kumulang sa 13 milyong piso, hindi ito nakatulong para umangat siya sa pinakahuling survey.
Imbes na tumaas ay naungusan pa siya sa ikalawang pwesto ni Moreno.
Sa pagtatanong ng PUNA sa ilang mga Pilipino, sinabi nilang hindi magandang maging presidente sa Pilipinas ang babae dahil hindi nito kayang pasunurin ang mga Pilipino na matitigas ang ulo.
Dalawang babae na ang naging presidente ng bansa (Sina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo), na laging binubulabog ng kudeta kung kaya’t ayaw na ng mga Pinoy na muling magkaroon pa ng babaeng mamumuno sa Pilipinas.
Kaya’t hindi nakapagtataka na maunahan na ni Moreno si Robredo sa pinakabagong survey.
oOo
Para sa suhestiyon o reaksyon, mag-email sa joel2amo-ngo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
