LAUDIANGCO MANANATILI BILANG COMELEC SPOX

MANANATILING tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) si Director John Rex Laudiangco.

Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Acting Comelec Chairperson Socorro Inting na may petsang Hunyo 10 ngunit inilabas lamang nitong Lunes, Hunyo 13.

Si Laudiangco ay nagsilbing tagapagsalita ng Comelec sa sandaling panunungkulan ni dating Comelec chief Saidamen Pangarungan.

Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 9 ngunit ang kanyang appointment at apat na iba pa ay na-bypass ng Commission on Appointments.

Si Inting ang itinalagang acting poll chairperson bilang pinaka-senior sa mga nakaupong Comelec commissioners. (RENE CRISOSTOMO)

171

Related posts

Leave a Comment