LEGENDARY ANG PAGIGING CHARITABLE NINA DINGDONG, LUIS AT ALDEN

DINGDONG-LUIS-ALDEN

lolitKung minsan talaga, hindi mo masisisi ang mga artistang napipikon sa mga basher. Lahat ng gawin nila hinahanapan ng mali. Ilan sa mga artista na tutoong matulungin at aware sa mga nagaganap ay sila Dingdong Dantes, Luis Manzano at Alden Richards. Tunay at galing sa puso ang pagtulong nila, hindi nila ipinag-iingay, hindi sinasabi sa media pero alam mo na kumikilos sila para tumulong. Mula’t sapul sa umpisa pa lang ng career nila, nandun na sa puso nila ang pagmamahal sa less fortunate. Mababalitaan mo na lang na may natulungan sila, meron ibinigay na tulong, nagpahatid biyaya pag iyon mismong tao na natulungan nila ang nagsalita. Legendary iyon pagiging charitable nila Dingdong, Luis at Alden. Marami ang nagpapatunay ng pagiging generous ng tatlong actor, kaya sana, iyon mga judgemental at walang magawa kundi pumuna ng kapwa nila tumigil na. Iyon pagtulong na bukal sa loob si God ang nakakaalam, at siya ang magbibigay-biyaya sa tao na nagbigay nito. Usually iyon maingay at nanunumbat iyon ang walang itinulong. Dapat mabaon sila sa ashfall at kainin ng bulkan Taal.

SANA MAGING HAPPY KA,  ANDI

Alam ninyo, pinapahanga ako ni Andi Eigenman. At the height of her career, at sa personality niya na happy go lucky kung titingnan mo hindi mo aakalain na gugustuhin niya na tumira sa probinsiya away from the luxuries of the city. Talaga ginawa niyang simple ang buhay niya, nandun siya sa Siargao at dun nanganak sa pangalawa niyang baby, pinupuntahan doon ng una niyang anak na si Elle at kuntento sa buhay may asawa niya. Tumatanggap pa rin ng mga project na gusto niya gawin pero ang homebase niya ang Siargao. Kahanga-hanga dahil alam niya kung ano ang talagang gusto niya at ginawa niya. To simplify after matikman mo ang buhay-artista ay isang napakahirap na bagay pero nagawa niya. Congrats Andi at sana maging happy ka.

COCO, BOYET, WILLIE, VIC AT PAULEEN ANG MGA ENDORSER

Ang dami-dami palang produkto ng Personal Collections  ha. Pinadalhan ako ni Jaja ng mga product nila sa Personal Collection na direct selling pero bongga ang mga endorser. Alam ko na sila Coco Martin, Christopher de Leon, Willie Revillame, Vic at Pauleen Sotto nag i-endorse ng mga product nila sa direct selling na balita ko ay mga good quality naman at top of the line. Mga coffee, sabon, toothpaste, dishwashing products ang marami sa kanilang mga ipinagbibili. Salamat Jaja, malaking savings ang mga ipinadala mong products. Thanks. (ANG KULIT NI LOLIT)

206

Related posts

Leave a Comment