Bukod sa pagsabog ng Bulkang Taal, masasabing big news ang recent engagement ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, ang social media star, singer-actress-comedienne at celebrity endorser na si Alex Gonzaga at ng fiancé na nito ngayon, ang businessman-politician na si Mikee Morada.
Inihayag nina Alex at Mikee ang kanilang engagement sa ika-32nd birthday mismo ni Alex last Thursday, January 16 sa get-together ng kanilang respective families and close friends na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel.
Bukod sa engaged couple and their respective families, nag-aabot din ng pagbati sa dalawa ang mga kaibigan ni Alex sa showbiz na pinangunahan ng kanyang best friend na si Luis Manzano na nanligaw noon sa kanyang ate na si Toni Gonzaga.
Malamang na sa taon ding ito ikasal sina Alex at Mikee at mapapasama ang dalawa sa mga kilalang celebrity engaged couples na nakatakdang iakasal this year tulad nina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Juancho Trivino at Joyce Pring, ang ex-PBB housemate na si Fourth Solomon at non-showbiz girlfriend nitong si Grizelle Gratela at iba pa which include Kapuso talents Luane Dy at Carlo Gonzales.
Natitiyak namin na marami pang celebrity couples ang napipintong ma-engaged at magpakasal this year.
JULIA NAGBABALIK
Tiyak na matutuwa ang mga fans and followers ng Kapamilya star na si Julia Montes sa kanyang pagiging aktibong muli sa showbiz sa taong ito matapos ng isang taong pahinga.
It was in October 2018 nang matapos ang kanyang panghapong action-drama series na “Asintado” ay magmula noon ay tila parang bulang nawala si Julia na napabalitang nanganak umano nung buwan ng Marso o Abril nung isang taon at ang itinurong ama umano ng bata ay ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin. Nariyan din ang balitang matagal umanong nagbakasyon si Julia sa Germany kung saan naka-base ang kanyang biological father at pamilya nito.
Matagal ding na-miss ang pagpu-post ni Julia sa kanyang social media account ng mga kaganapan sa kanyang buhay until may nakakita sa kanya sa isang grocery store in Greenhills nung isang taon. Muli rin siyang naging active sa kanyang Instagram account kung saan binati pa niya si Coco sa kaarawan nito nung November 1 at ang pagsuporta niya sa movie nito na naging kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang “3pol Trobol: Huli Ka Balbon”.
Ang Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal ang muling magpu-produce ng bagong teleryeng tatampukan ni Julia.
May mga nagsa-suggest ding i-guest si Juia sa top-rating ang long-running action drama series ni Coco, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” tulad ng ginawa ni Judy Ann Santos bago ito muling napanood sa kanyang teleserye, ang “Starla” na kamakailan lamang nagtapos.
Magiging exciting din siguro kung si Julia ang makakapareha ni Coco sa kanayng gagawing Metro Manila Film Festival movie.
Sina Julia at Coco ay nagtambal sa hit primetime teleserye in 2012 na “Walang Hanggan” na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon. Dito rin nagsimulang ma-link ang dalawa na hanggang ngayon ay ayaw pa ring kumpirmahin ng rumored couple.
NANGHIHINAYANG SI MARK
Sina Christian Bautista, Aicelle Santos at Mark Bautista ang producer ng kanilang upcoming pre-Valentine concert sa The Theatre at Solaire na pinamagatang “1 for 3” na nakatakdang idirek ng singer-turned concert director na si Paolo Valenciano. Ang veteran musician na si Mel Villena ang tatayong musical director.
Ayon mismo kina Christian, Aicelle at Mark na mainstays sa bagong simulang musical variety show ng GMA, ang “All Out Sunday,” nagsimula umano ang lahat sa biruan na naging seryoso at nagkatotoo hanggang maisipan nilang umupo at mag-brainstorming for the project.
Ayon kay Paolo, very hands-on umano ang tatlo sa pagiging totally committed sa kanilang first-ever concert na silang tatlo ang magkakasama at sila rin ang producer. Maging sa konsepto ay nagbato rin ang tatlo bagay na ikinatuwa ng panganay ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano.
Dahil sa kanilang pagiging producer ng concert, wala umanong tatanggapin na talent fee ang tatlo at sa halip ay sila pang tatlo ang gagastos sa lahat ng may kinalaman sa kanilang concert.
Samantala, sa tatlo, si Mark na lamang ang walang asawa kaya nagbiro si Christian na hinahanapan na umano nila ni Aicelle ang kanilang kasama ng magiging girlfriend nito and eventually mapapangasawa.
Si Christian ay ikinasal sa kanyang non-showbiz wife na si Kat Ramnani nung November 17, 2018 at recently lamang sila nagkaroon ng kanilang much-delated honeymoon sa South Africa na umabot ng tatlong linggo at kababalik lang nila last January 12. Si Aicelle naman ay ikinasal last November 16, 2019 sa dating news reporter ng GMA na si Mark Zambrano.
During the presscon, sobra naman ang panghihinayang ni Mark sa pagkakataon na makapag-audition sa Broadway rerun ng “Alladin” dahil late nitong nabuksan ang kanyang e-mail kung saan naroon ang invitation sa kanya na mag-audition for a role in “Alladin”.
Ang e-mail was sent nung January 7 pero ito’y nabuksan at nabasa lamang ni Mark three days later.
Although late, sinagot ni Mark ang invitation sa kanya to audition at sinagot naman siya na muli siyang isasama sa list sa susunod na audition.
Naniniwala si Mark na may iba pang pagkakataon na darating sa kanya kahit napalagpas niya ang opportunity to audition for Broadway na matagal na niyang pinapangarap.
Better luck next time, Mark. (INSIDE OUT / Aster A. Amoyo)
